Ginulantang ng Bagyong Yolanda ang buong mundo dahil
sa naging dulot nito sa Pilipinas. Ayon sa tala, ito ang naging pinakamalakas
na bagyo na tumama sa kalupaan sa kasaysayan. Naparalisa ang maraming bahagi ng
Kabisayaan, partikular na sa Tacloban at sa ibang bahagi ng Leyte, dulot ng
bilyon-bilyung pinsala nito sa agrikulura, imprastraktura, at mga industriya.
Higit pa rito, libo-libong tao ang nawalan ng buhay, at milyon-milyong tao ang
nasiraan ng pamumuhay at ng ikinabubuhay.
Ilanga raw bago ang Bagyong Yolanda, niyanig naman ng
malakas na lindol ang isla ng Bohol. Dahil rito, daan-daang imprastraktura ang
gumuho, kabilang na ang mga pinagmamalaking mga simbahan ng Bohal na
itinuturing na bilang mga yaman ng bansa. Kabilang rito ang pagkawala ng buhay ng
daan-daang mga tao dahil sa pagbagsak ng mga bato at debris.
Sa loob lamang ng mahigit-kumulang dalawang buwan,
dalawang malalakas na delubyo na ang tumama sa Pilipinas. Idagdag pa ang mga
bagyo at kalamidad na tumama sa bansa noong taong iyon. Kung susumahin, di na
mabilang ang mga kalamidad na tumama sa Pilipinas dahil sa posisyon nito sa
daigdig. Kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na Pacific Ring of Fire na madalas
yanigin ng lindol at pagputok ng mga bulkan. Kasama rin ang Pilipinas sa mga
nasa kanlurang bahagi ng karagatang Pasipiko, kaya’t nasa dalawampung bagyo ang
tumatama sa Pilipinas taon-taon. Di pa kabilang ang mga iba-pang kalamidad
tulad ng sunog, baha, tsunami, at landslide. At kung susumahin ang mga dulot ng
sakunang ito, milyong milyong mga Pilipino ang namatay, at di na mabilang ang
halaga ng mga bagay na nasira ng mga ito.
Dahil sa kadalasan ng pagtama ng mga sakuna sa
Pilipinas, nararapat lamang na magkaroon ng sapat at wastong kaalaman ang bawat
mga mamamayan sa paghahanda para sa pagtama nito. Kaya’t nagpapasalamat ako
sapagkat kabilang ako sa mga Tomasinong nagkaroon ng kaalaman sa paghahanda sa
mga sakuna sa tulong ng UST NSTP na nagsagawa ng Disaster Risk Reduction
and Management Seminar, Workshop, Training at Practicals.
Sa DRRM SeminarxWorkshopxTrainingxPracticals,
nagkaroon ako ng kaalaman ukol sa mahahalagang konseptong dapat matalakas sa
paghahanda sa mga sakuna. Natutunan ko ang konsepto ng disaster, na siyang
tumutukoy sa mga natural na pangyayaring nagdudulot ng pinsalang maaring mas
mapalala ng mga kagagawan ng tao. Ang hazards naman ay ang mga bagay o lugar na
maaring magdulot ng pinsala, at ang tsansa nito ay ang risk. Ang risk reduction
naman ay ang pagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng pinsala ang tao.
Kabilang rin sa mga natutunan ko ay ang Capacities, na
siyang tumutukoy sa mga kakahayan ng mga mamamayan, at ang vulnerabilities ay
ang mga kahinaan. Ang Bibingka approach naman ay ang pagbibigay-daan sa
partisipasyon ng mga mamamayan at hindi lamang pamahalaan ang pangangasiwa ng
paghahanda sa sakuna; na inihambing sa pagluluto ng bibingka kung saan ang init
ay nagmumula sa ibabaw gayun din sa ilalim. At huli, ang kawayan bilang simbolo
ng katatagan ng mga Pilipino, sapagkat tulad ng kawayan, ang Pilipino ay
yumuyuko sa pananalasa ng hangin, at muling tumatayo pagkatapos nito.
Sa laro namang Bahay-Tao-Bagyo, aking naisip ang
kahalagahan ng pagtutulungan at pagdadamayan sa panahon ng kalamidad. Gayun din
ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa paunang-lunas at basic life support.
Marahil, nararapat lamang na tugunan ang mga
suliraning kaharap ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan
at mga mamamayan sapagkat ang malaking bahagi ng kapalaran ng Pilipinas ay
nakasalalay sa kahandaan ng mga Pilipino sa mga sakuna. Upang mabawasan ang mga
masamang naidudulot ng bagyo, dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat
isa.
Sa aming grupo, isinagawa naming ang PCVA workshop sa
pamamagitan ng paggawa ng mapa kung saan inalam namin ang mga mapanganib na
lugar malapit sa aming tinutuluyan, gayun din ang pinakaligtas na lugar na
maaarin naming paglikasan sa panahon ng kalamidad. Sa workshop na ito lamang
namin napagtanto na ang maaaring maitulong ng mga lugar na maaaring naming
malikasan sa panahon ng sakuna, kaya’t malaking tulong na nakapagsagawa kami ng
PCVA workshop.
Sa Barangay 471 naman sa Lungsod ng Maynila,
nakapanayam namin ng kagrupo kong si Evienne Cordero si Barangay Executive
Officer Reynaldo Mangalad ukol sa paghahandang ginagawa ng barangay sa mga
kalamidad. Sapagkat ang mga barangay sa Lungsod ng Maynila ay maliliit lamang,
ang paghahanda sa mga sakuna sa mga barangay ay nasa pamamahala ng City Hall.
Ang pangunahing gawain ng barangay ay ang koordinasyon at pagbibigay ng
impormasyon ukol sa mga polisiya ng City Hall. Gayun pa man, nagsisikap pa rin
ang barangay upang tulungan ang mga residente nito sa paghahanda. Halimbawa, sa
Metro Manila Earthquake Drill na ginawa kamakailan, nagkaroon ng koordinasyon
ang barangay sa City Hall upang magkaroon ang mga residente nito ng pakikiisa
sa naturang drill. Sa paghahanda naman sa baha, sapagkat natural na binabaha
ang barangay dahil mababa lamang ito, nagkaroon na lamang sila ng patakaran
ukol sa basura upang mapabilis ang pagbaba ng baha. Ngunit sa panahon ng
mabigat na sakuna na nangangailangan ng paglikas, gumawa sila ng mapa kung saan
itinuturong ang Intramuros golf course ang pinakamalapit na ligtas na lugar
upang paglikasan.
![]() |
| Brgy. 471 Barangay Hall |
Tulad ng mga patakaran sa Disaster and Risk Reduction
and Management, nakasalalay din sa City Hall ang mga patakaran sa iba pang mga
bagay. Ngunit pagdating sa seguridad, malaki ang kakahayan ng barangay upang
mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan nito. Nagkabit sila ng mga CCTV
cameras upang mamonitor ang mga nagaganap sa mga kalye ng barangay, gayun din
ang pagpapatrolya ng mga tanod. Kaya’t naipapagmamalaki ng aking nakapanayam na
si Barangay Ex-o Mangalad na malaki na ang naibawas sa mga krimen sa barangay.
Marahil, bilang Pilipino, at dahil nalalapit na naman
ang halalan, nararapat lamang na pumili tayo ng mga kandaditong nais umupo sa
pamahalaan na mayroong malinaw na plataporma ukol sa pagtugon sa mga suliranin
ng paghahanda sa seguridad. At bilang mag-aaral ng Agham Pulitika, ang aking
maiaambag sa pagtugon sa mga suliraning ito, ay ang pagsasaliksik sa mga
kakayahan ng mga barangay, kasama ang pakikilahok ng mga mamamayan, sa
paghahanda sa mga kalamidad.
Kung may oras man upang magkaroon ng mas sistematiko
at masmalawak na paghahanda sa mga kalamidad, iyon ay ngayon na. Hindi sa
susunod pang dekada, hindi sa susunod pang henerasyon – ngayon na. Ngayong
nagiging mas mabilis na ang pag-usbong ng teknolohiya, mas nagiging malala ang
paghagupit ng kalikasan.
Sa katunayan, ang kakaganap pa lamang na conference sa
Paris ukol sa mabilis na pagbabago ng klima of climate change, ito ay may hatid
na positibo at negatibong mensahe. Ang negatibong mensage nito ay dumating na
tayo sa punto na mas nabibigyan na natin ng kahalagahan ang pananalapi kaysa sa
kalikasan. Ngunit ang positibong mensahe nito ay tayong lahat ay
nagkakabuklod-buklod upang bawasan ang mga masamang naidudulot ng ating
sibilisasyon sa kalikasan.
Mula sa Paris, dapat umabot sa ating mga Pilipino ang
mensahe na nararapat na tayong gumawa ng aksyon. Walang ibang mapipinsala sa
ating naidudulot ng ating eksploytasyon sa kalikasan kundi tayo rin. Kung lahat
tayo ay makikiisa, walang pader ang di-kayang matibag. Sa atin pinagkatiwala ng
Panginoon ang lahat ng kanyang mga nilikha, ang dapat lamang nating patunayan
ay karapat-dapat tayo sa posisyong ito.









No comments:
Post a Comment